-- Advertisements --
image 360

Nagpadala na ang 8th ID Phil Army ng kabuuang 113 na sundalo upang magbantay sa buong probinsya ng Negros Oriental sa BSKE 2023.

Ang Negors Oriental ay nasa ilalim ng COMELEC control, matapos itong isailalim sa assessment ng poll body at ng mga law enforcement agencies.

Ang mga sundalo ay nagmula sa ibat ibang mga Batallion na nasa ilalim ng 8ID.

Ayon kay BrigGen. Perfecto Peñaredondo, Deputy Commander ng naturang dibisyon, magbabantay ang mga sundalo sa mga Brgy na natukoy na may mataas na banta sa seguridad, dahil sa mahigpit na tunggalian.

Magiging katuwan aniya sila ng iba pang law enforcement agencies upang masiguro ang maayos, mapayapa, at credible na halalan.

Maalalang naging kontrobersyal ang Negors Oriental sa mga nakalipas na buwan, matapos ang madugong pamamaril kay dating Governor Roel Degamo na ikinasawi ng iba pang mga tauhan at sibilyan.

Ang naturang pamamaril ay iniuugnay sa dating mambabatas na ngayon ay idineklara na rin bilang terorista, ex Cong Arnulfo Teves Jr.