GENERAL SANTOS CITY – Nakadeploy na ang Pulisya sa mga simbahan para bantayan ang pagsimula ng Simbang Gabi para masunod ang estriktong health protocol .

Nanguna mismo si Police Col. Gilberto Tuzon, OIC City PNP Director na 110 na Pulis ang binigyan ng baston sa isinagawang send off ceremony sa Camp Fermin Lera .

Matapos ang pagpamigay ng baston tinuru-an pa ang nasabing mga Pulis sa paghawak nito.

Sinabi din ni Tuzon na hindi na kailangan pang tapalan ang kanilang mga baril dahil iilang taon na din itong ginagawa ng PNP.

Bantayan ng nasabing mga Police ang mga simbahan hanggang pagpasok ng bagong taon.