-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sumuko ang nasa 113 miyembro at supporters ng communist terrorist group sa lalawigan ng Masbate sa pamamagitan ng iba’t ibang community support program teams.

Ito ay batay sa latest data ng Joint Task Force Bicolandia ng Philippine Army.

Sumuko ang mga ito mula Setyembre 14 hanggang 17.

Sa naturang bilang, 25 dito ang miyembro ng Militiang Bayan, 54 ang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad, isang regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) at 33 na tagasuporta.

spear
spear 3
spear 2 1

Kasama pang isinuko ng mga ito ang siyam na low-powered firearms.

-- Advertisement --
spear 4

Nangako rin ng suporta ang grupo upang tapusin na ang mahigit sa limang dekadang armadong pakikibaka.

Ang mga kuwalipikadong surrenderers ang ie-enroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at makakatanggap ang mga ito ng cash, kabuhayan, medical, housing and education assistance.

Ngayong 2021, mahigit na sa 700 communist terrorist group members at supporters ang nagbalik-loob na sa gobyierno.