Drive in
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umabot sa 1,184 na mga taga Kidapawan City ang nagpabakuna sa dalawang araw na RESBUSKUNA Walk in at Drive Thru anti COVID-19 vaccination.

Tumugon sa panawagan ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga edad 18 pataas na magpabakuna bilang epektibong pamamaraan laban sa komplikasyong idudulot ng COVID-19 sa mga tinamaan nito.

Ani Mayor Evangelista, patunay lamang ito na malawak na ang kaalaman ng mga Kidapawenyo sa epekto ng COVID-19.

Ginawa ang RESBUSKUNA Walk In at Drive Thru vaccination October 16-17, 2021 sa St. Mary’s Academy ng lungsod.

Edad 18 pataas na hindi pa nabakunahan ang target ng RESBUSKUNA na mga residente ng Kidapawan City.

-- Advertisement --

Sa kabila ng mainit na panahon, dinagsa ng mga nais magpabakuna ang RESBUSKUNA.

Bagamat nagkaaberya sa simula, agad naman naisaayos ang sistema ng pagbabakuna sa kalaunan dahil mismong si Mayor Evangelista na ang pumunta sa lugar at nag-utos sa mga kawani na ayusin ang sistema ng vaccination.

Nagpasalamat naman sa city government ang mga nabakunahan sa pagtugon sa kahilingang maproteksyunan laban sa COVID-19, lalo na yung mga mga comorbidities na kadalasang mapanganib sa sakit kung hindi nabakunahan.

Sinovac at Pfizer ang itinurok sa mga nagpabakuna, ayon pa sa City Health Office na nangasiwa sa RESBUSKUNA.

Nais ng city government na gawin kada weekend ang kahalintulad na aktibidad kung tuloy tuloy na ang pagdating ng supply ng bakuna mula sa national government.

Sa pamamagitan nito ay mababakunahan na ang marami sa mga Kudapawenyo kontra sa COVID ng maabot na ang inaasam na herd community tungo sa new normal.