Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang magsasaka ng saksakin ng kanyang kapatid sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Randy Calambro, 39, habang ang suspek ay ang nakakatanda nitong kapatid na si Leonard Calambro, 44, mga residente ng Sitio Bato, Barangay San Mateo, Aleosan, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Aleosan PNP, lasing ang suspek nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sa kanyang kapatid na humantong sa pananaksak.

Naisugod pa sa Aleosan District Hospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa pulisya at nakatakdang sampahan ng kaso.