-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang magsasaka matapos itong saksakin ng kanyang nakababatang kapatid sa Prk. 4, Brgy. Datu Ampunan, Laak Davao De Oro.

Nakilala ang biktima na si Romeo Subla, 47-anyos, habang ang suspek ay nakilalang si Lino Subla 45-anyos parehong binata at magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Laak municipal police station, sinaway lamang ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya dahil sa pagdadala nito ng kutsilyo.

Nagalit umano ang biktima at tinaga ang kanyang kapatid na natamaan sa kanyang daliri at ulo.

Dahil sa nasabing insidente, sinaksak rin ng suspek ang kanyang kapatid na iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

-- Advertisement --

Agad naman na sumuko ang suspetsado sa isang CAFGU ug mga opisyal sa nasabing barangay.

Sasampahan rin ng kaso ngayon araw si Lino na kasalukuyang nakakulong sa Laak municipal police station.