Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang magsasaka sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Marcelo Langote, 38, may asawa at residente ng Purok 4, Brgy Ranzo, Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan, habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa sakahan nito papauwi na sana sa kanyang tahanan nang bigla itong harangin ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin tangay ang motorsiklo ng magsasaka.

Agad na binawian ng buhay si Langote nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Carmen MPS sa naturang pangyayari.