-- Advertisements --

KALIBO – Patay ang isang magsasaka matapos itong pagbabarilin sa Barangay Cortes, Balete, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Geronimo Perez, 64-anyos, residente ng nasabing lugar habang ang suspek naman ay kinilalang si Edilberto Ruyo, 59, residente ng Barangay Aranas sa naturang bayan.

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng grupo ni P/Lt. Avelino Villareal Jr., hepe ng Balete PNP, lasing umano ang suspek nang pagbabarilin nito ang biktima habang namamahinga sa kubo ng kaniyang anak kung saan tinamaan ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.

Na-recover sa area ang tatlong basyo ng kalibre 45 na baril na pinaniniwalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Balete Police Station ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

-- Advertisement --