-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Labis na kalungkutan o depresyon ang maaaring dahilan ng pagpapakamatay ng isang magsasaka sa barangay Maligaya, Cauayan City.

Ang nagpakamatay ay si Mario Martinez, 30 anyos , magsasaka at residente ng parehong nabanggit na lugar.

sa imbestigasyon ng Cauayan City Police station, ang kapatid ni Martinez ang nakikita sa kanyang katawan na nakasabit sa kisame ng kanyang silid gamit ang isang lubid.

Labis umanong nalungkot si Martinez sa pagpanaw ng kanyang ama noong Agosto na sinundan ng pag-alis ng kanyang misis patungo sa ibang bansa.

Kumbinsido ang pamilya ni Martinez na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

-- Advertisement --