CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang magsasaka dahil sa kinakaharap na 16 counts of rape sa Cabagan, Isabela.

Ang dinakip ay si James Natividad, 29-anyos, may asawa at residente ng Masipi East, Cabagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Tumauini Police Station, hinuli si Natividad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Jesus Felipe Torio II ng Branch 22 Cabagan at walang inirekonmendang piyansa.

Nasa kustodiya na ng Tumauini Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.