CENTRAL MINDANAO-Patay sa pamamaril ang isang magsasaka sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Yasser Butch Mamento,42 anyos,may asawa at residente ng Barangay Pagagawan Datu Montawal Maguindanao.

Ayon kay Supt Bernard Tayong ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Barangay Langogan Carmen North Cotabato ay bigla itong hinarang ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin at dala pa ang motorsiklo ni Mamento patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Carmen.

Patay on the spot ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima.