NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos barilin ng sarili nitong kapatid sa Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Capina, 52-anyos, residente ng Barangay Lagalag, Tiaong sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kapatid nito na kinilala naman na si Roderick Capina.

Dahil dito, agad na bumalik ang suspek sa kanilang bahay para kunin ang kaniyang baril at dito na binaril ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na matapos ang krimen, tumakbo sa hindi malamang direksiyon ang nasabing suspek.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa inisidente gayundin ang pagtunton sa suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.