TACLOBAN CITY – Nakahandusay at wala nang buhay nang makita ang isang magsasaka katabi ang alaga nitong kalabaw matapos na makoryente sa Brgy. Tombo, bayan ng Alangalang, Leyte.

Kinilala ang nasabing biktima na si Romualdo Pace, 69, residente ng Brgy. Santiago, Alangalang Leyte na apat na kilometro ang layo sa Brgy. Tombo.

Ayon kay Chief Master Sgt. Alejandro Alve, investigator ng Alangalang Municipal Police Station, habang papunta sa kanilang palayan ang nasabing magsasaka kasama ang kanyang kalabaw na may kargang abono ay aksidenteng nasagi ang naputol live wire mula pa noong pananalasa ng bagyong Ursula na hindi pa naaayos ng Leyte III Electric Cooperative (LEYECO III).

Posible naman na magkaroon ng liability ang LEYECO III dahil hindi nito agad na naayos ang problema sa naputol na kable ng koryente sa nasabing lugar.