GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang mag-live in partner matapos inireklamo ng isang 18 taong gulang babae ng robbery extortion matapos na binantaan na ilalabas ang mga nude pictures at videos nito kung hindi magbibigay ng pera.

Ayon kay PMaj. Leo Deofiles, Asst. Chief ng Regional Anti-Cybercrime Unit(RACU)12 humingi sa kanila ng tulong ang isang Johana Rissa Villasis upang mahuli ang mga suspek na kinilala na sina Via Nuñez at Rasol Mohammad.

Nakumpirmang totoo ang sumbong ng biktima matapos nitong ipinakita sa mga otoridad ang mga nude pictures at videos na ipinadala ng mga suspek sa kanyang messenger.

Kaagad na nakipag-ugnayan ang mga personahe ng Anti Cybercrime Unit sa isang remittance center matapos silang nagpadala ng hinihinging pera ng mga suspek matapos na nakipagsundo ang mga ito sa biktima.

Unang nahuli si Nuñez matapos na naabutan pa itong nagwi-withdraw ng pera sa remitance center sa Makar Labangal nitong lungsod at nahuli naman ang kinakasama nito na si Mohammad sa follow-up operation kung asa kanilang bahay Barrio Blaan Community Village Labangal ito nahuli.

Hinahanda na ng pulisya ang kasong robbery extortion na isasampa sa mga suspek na temporaryong kustodiya sa Pendatun Police Station.