Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY-Huli sa akto ang magkasintahang mag-aaral ng isang sikat na unibersidad na nagtatalik sa loob ng movie house dito sa lungsod.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Antonio Resma, inspectorate team leader ng Regulatory and Complaint Board o RCB na siya mismo ang nakahuli sa magkasintahan sa kanilang surpresang inspection sa movie house na makikita sa Divisoria area malapit sa unibersidad.

Half-naked umano ang 19-anyos na babaee at nakapatong ito sa 20-anyos na lalaki na nakasuot pa ng uniporme ng kanilang paaralan ng sila’y mahuli.

Isinagawa ng RCB ang surprised inspection matapos nag-viral sa social media ang sex video ng isang kolehiyala dito sa lungsod kung saan pinaniniwalaang naganap rin ito sa loob ng movie house.

Binalaan naman ni Resma ang may-ari ng movie house upang hindi na maulit ang insidente.

Hindi naman hinuli ng RCB ang magkasintahan ngunit kanila itong pinangaralan.