Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY-Nahuli ng mga personnel ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magkasintahang Maranao-Muslim na sinasabing bigtime drug pushers sa Iligan City.

Kinilala ni NBI-Iligan Chief Atty. Abdul Jamal Dimaporo ang mga suspek na sina Mary Grace Manginsay at Omar Mangundacan.

Nahuli ang mga ito kasunod ng deklarasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dug free na umano ang may limang barangay sa Iligan City.

Ayon kay Atty. Dimaporo, kanilang nahuli ang magkasintahan sa pamamagitan ng drug buy bust operation sa loob ng isang motel sa Brgy. Tambakan sa nasabing lunsod.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang 30 gramo ng drugang shabu na may market value na 200k.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinakaharap ng magkasintahang drug pushers.