TACLOBAN CITY РPatay ang magkapatid matapos ang mga itong matamaan ng kidlat sa bahagi ng Sitio Carugyao, Barangay Osme̱a, Palapag, Northern Samar.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnel Albario Laoreno Jr., 21 at Irene Albario Laoreno, 18, mga residente ng Barangay Laniwan ng naturang bayan.

Ayon kay Police Major Joseph Quelitano ng Palapag Municipal Police Station (MPS), batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nagtatrabaho sa kanilang sakahan ang magkapatid kasama ang kanilang ama nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagdesisyon umano ang mga ito na sumilong sa ilalim ng puno nang bigla na lamang na tumama ang malakas na kidlat at natamaan ang magkapatid.

Nagbabala naman ang mga otoridad sa publiko na ipagpaliban lang muna ang pananagat o pagpunta sa sakahang kung ingkaso na masama ang panahon nang sa gayon ay maiwasan ang naturang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here