House Speaker alan Cayetano 1
Speaker Cayetano

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang magandang ugnayan sa pagitan ng Kamara at Cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng mga panukalang batas sa kapulungan.

Ayon kay Cayetano, natalakay nila ng ilang kalihim sa ginanap na small group meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) kahapon ang patungkol sa target ng Kongreso na zero-veto sa mga aaprubahang panukala.

Balak aniya nilang sa committee hearings pa lang ay maipabatid na ng mga Cabinet secretaries kung ano ang mga nais at ayaw na mapasamang probisyon sa mga isinusulong na batas.

Mahalaga aniya ang prosesong ito pagdating sa mga crucial bills at maging sa mga priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.