Walang nakikitang personal na away si Sen. Richard Gordon sa pagitan nina Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ayon kay Gordon, maaaring magkaiba lamang ang pagtingin ng dalawa sa sitwasyon ng PNP at mga kontrobersiya.

Sa ika-walong pagdinig ng Senate committee on justice, personal na nilapitan at kinamayan ni Magalong si Albayalde.

Pero noong nakaraang araw, mainit ang naging sagutan ng dalawang opisyal sa isyu ng kapabayaan ng mga tauhan at usapin ng ninja cops.