CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang mag-inang Manobo sa rumaragasang baha sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga biktima na sina Ailyn Gogo,46 anyos at apat na taon nitong anak.

Ayon kay Senator Ninoy Aguino Sultan Kudarat Mayor Randy Ecija na patawid ng Basag river ang mag-ina nang tangayin ng baha.

Wala nang buhay ang mga biktima ng matagpuan sila ng rescue team ng Municipal Desaster Risk Reduction and Management Office ng SNA.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Ecija sa pamilya ng mga biktima para sa burol at libing nito.

Nagpaalala ang Alkalde sa mga nakatira malapit sa ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.