-- Advertisements --

Pinasilip sa publiko ng mag-asawang Nick Jonas at Priyanka Chopra ang larawan ng kanilang anak na si Malti Marie Chopra Jonas o si baby MM.

Sa kanilang Instagram ay nagpost ang singer na si Jonas ng larawan nilang tatlo kasama ang bata.

Binati rin nito ang beauty queen na asawa ng ‘Mothers Day’.

Isinalang ang anak nila na premature kaya kinailangan na manatili sa neonatal intensive care unit o NICU sa 100 araw.

Magugunitang noong Enero ay ibinalita ng dalawa ang paglabas ng kanilang anak sa pamamagitan ng surrogacy.

-- Advertisement --