ROXAS CITY – Patay ang isang magsasaka matapos suwagin ng alagang kalabaw sa Barangay San Antonio, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang napatay na si Susen Famocol, 49, na nagtamo ng sugat sa tiyan at hita habang sugatan naman ang asawa na si Arlene Famocol, 41, na nagtamo ng sugat sa hita.

Napag-alaman na sinundo ng asawa ang kanyang mister sa kanilang sakahan ng masaksihan niya ang pagtakbo ng kalabaw sa direksyon ng kanyang mister.

Sa kagustuhan na mapalayo sa disgrasya ang mister ay kaagad nitong kinuha ang lubid ngunit huli na dahil sinuwag na ang biktima ng alagang kalabaw.

Samantala nang makita naman ng kalabaw ang presensiya ni Arlene ay pumunta ito sa kanyang direksyon ngunit maswerte na nakatakbo ang ginang.