Reading Time: 1 minute
Laguna Plane Crash2
Calamba plane crash/ Laguna PDDRMO

DAVAO CITY – Labis na ikinalungkot ng pamilya ng flight observer na si Ryx Gil Laput ang sinapit nito kung saan hindi na matutupad ang kanyang pangarap na maging isang piloto.

Kung maalala, kabilang si Laput sa mga namatay sa nangyaring plane crash sa Calamba, Laguna isang linggo na ang nakakaraan.

Sa kasalukuyan nasa isang punerarya na sa lungsod ang bangkay ng 23-anyos na biktima.

Nanawagan naman ang kamag-anak nito sa kompaniya sa bumagsak na eroplano na tulungan sila lalo na sa pinansyal na aspeto.

Hinihinakayat din nito ang mga otoridad na magsagawa ng mabilisang imbestigasyon.

Samantala naglabas din ng saloobin ang ama ng biktima na si Armando Laput, ayon sa kanya hindi niya nakita ang kanyang anak na lalaki sa loob ng isang taon dahil nagtatrabaho siya sa Nigeria bilang isang inhinyero.