-- Advertisements --

Minaliit ni Health Secretary Francisco Duque III ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa isang briefing kaninang madaling araw, sinabi ni Duque na mas mababa ang COVID-19 infection rate sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa na apektado rin ng naturang sakit.

Ang aniya’y mababang infection rate na ito ay nagsasalamin ng mga desisyon na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Duque, nakatulong dito ang pansamantalang pagbawal sa pagpasok ng mga biyahero mula China at Special Administrative Regions nito noong Pebrero pati na rin ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Samantala, nauna nang sinabi naman ng special assistant ni Duque na si Dr. Beverly Ho na masyado pang maaga para sabihin na nag-peak na o bumagal na rin infection rate bunsod ng Luzon-wide lockdown.

Kamakailan lang ay binatikos ang DOH dahul sa limitadong testing capacity ng bansa.

Gayunman sa ngayon ay tumaas na ang testing capacity ng pamahalaan, at target din nilang makapagproseso ng hanggang 10,000 samples kada araw nitong buwan.