DAVAO CITY – Tiniyak ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nasa maayos ang relasyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at kapatid na si Davao City 1st District Rep-elect Paulo Duterte matapos ang naging pahayag ng Pangulo na handa itong bumaba sa puwesto kung gustong maging House speaker ni Pulong sa kongreso.

Ayon pa kay Mayor Inday, may mga tao lamang na nag-impluwensiya sa kanyang ama para himukin na tumakbo si Pulong bilang House speaker.

Ngunit pinaninindigan umano ng dating bise alkalde na wala siyang plano na nasabing posisyon.

Una na ring sinabi ni Mayor Inday na may lumapit din sa kanya at tinanong ang patungkol sa planong maging House speaker ang kapatid.

Sinabi ng alkalde na hindi siya ang magdedesisyon patungkol dito bagkus ang kanilang ama na si Pangulong Duterte.