Reading Time: 1 minute

Nagsimula nang makipag-ugnayan ang Local Utilities Administration (LWUA) sa mga water districts na kalapit ng Metro Manila bilang tugon sa nararanasang water shortage crisis.

Sinabi ni LWUA Administrator Jeci Lapus sa pagdinig ng House Oversight Committee on Public Works and Natural Resources na may nagaganap nang usapan sa pagitan ng kanilang tanggapan at mga water districts sa Bulacan, Cavite at Laguna.

Pero ang nakikita raw niyang problema naman dito ay ang transporation ng karagdagang water supply mula sa mga nabanggit na lugar patungong Metro Manila.

Gayunman, nagpahayag ng suporta sa suhestiyon na ito ang dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Samantala, sa update naman na binigay ni Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz, binawasan na nila ang oras ng kanilang ipinapatupad na water service interruptions sa kanilang mga customers mula sa dating 23 oras kada araw sa 16 oras na lamang sa ngayon.

Ayon naman kay Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez, walo hanggang 12 oras na lang daw ang kanilang ipinapatupad na water service interruption.