Kumpiyansa ang Malacanang na maaapektuhan sa negatibong paraan ang relasyon ng Pilipinas at Amerika kahit pa patuloy na lumalakas ang relasyon ng bansa sa Russia.

Ayon kay Sec. Panelo, maaaring mabahala na ang US sa ginagawang hakbang ng Pilipinas para tumibay pa ang ugnayan nito sa mga maituturing na Eastern countries o mga bansa sa silangan gaya ng China at Russia.

Kung maaalala, kakauwi lang kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang limang araw na official visit sa Russia.

Inihayag ni Sec. Panelo na nagpapatuloy pa rin ang negogasyon ng Pilipinas at Russia para sa posibleng pagbili ng bansa ng armas at ibang gamit ng mga militar.

Kasunod nito, dapat aniya’y mapaisip na ang Amerika na magbigay na ng mas patas na kasunduan sa pagbili ng Pilipinas ng military equipment sa kanila.

Paliwanag ni Sec. Panelo, maraming kondisyon na ibinibigay ang Amerika kompara Russia at China na pareho pang nagbigay ng libreng armas noong kasagsagan ng giyera sa Marawi.