BAGUIO CITY – Naging makabuluhan ang unang araw ng Brigada Eskwela 2019 sa buong Cordillera Administrative region.

Ayon kay Department of Education (DepED) Cordillera Regional Public Information Officer Gearaloy Palao-ay, ito dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholders at mga ahensiya ng pamahalaan.

Aniya, kahapon ay nagsagawa ang mga nakibahagi sa aktibidad ng repainting sa mga silid-aralan, pagkukumpuni, pag-alis sa mga damo sa paligid ng mga paaralan at iba pa.

Magtatapos ang Brigada Eskwela sa Mayo 25 bilang paghahanda sa mga paaralan sa pagbubukas ng school year 2019-2020 sa Hunyo 3.