Luke Walton
Luke Walton

Opisyal nang kinuha ng Sacramento Kings si Luke Walton bilang kanilang head coach.

Ito’y ilang araw matapos na tanggalin ng Los Angeles Lakers si Walton bilang kanilang mentor matapos mabigong makapasok sa playoffs sa tatlong magkakasunod na season.

Hahawakan ni Walton ang ilan sa mga talented na batang players ng Kings na sina De’Aaron Fox at Buddy Hield, forward Marvin Bagley III at center Willie Cauley-Stein.

Magugunitang noong Biyernes naman nang sibakin ni Kings general manager Vlade Divac si coach Dave Joerger matapos ang best season ng team mula noong 2005-06.

“After evaluating the season, I determined that we need to move in a different direction in order to take us to the next level,” saad ni Divac sa isang statement. “On behalf of the entire Kings organization, I want to thank Dave for his contributions to our team and I wish him all the best.”