Reading Time: 1 minute
Luis Manzano
Luis and Jessy/ IG photo

Nagpaliwanag si Luis Manzano sa mga negatibong komento na kaniyang natanggap.

Kasunod ito ng kuhanan siya ng reaksyon sa engagement ng dating kasintahang si Angel Locsin at nobyong Neil Arci.

Sinabi ni Manzano na ayaw na niyang madamay pa sa relasyon ng dating kasintahan.

Iba rin aniya ang kuwento ng dalawa kaya hindi na nararapat na siya ay idamay pa.

Taong 2007 ng maging magkarelasyon sina Luis at Angel at matapos ang dalawang taon ay naghiwalay sila hanggang nagkabalikan muli noong 2014.

Natapos na ang kanilang relasyon noong 2016 kung saan si Angel ay engaged na habang si Manzano ay kasalukuyang nobya si Jessy Mendiola.