-- Advertisements --

Pinasalamatan ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang Anti-Red Tape Authority dahil sa pagkilala nito sa pagsisikap na lalong mapabuti ang kadalian ng pakikipagtransaksyon sa ahensya.

Ayon kay Mendoza, dahil dito aniya ay nagkaroon ng malaking pagbabago katulad ng paghabol sa mga fixer maging ang iba pang corruption-related campaigns sa LTO.

Marami rin ang mga naitalang reklamo na may kaugnayan sa transaksyon noong 2023.

Iginiit ng opisyal na ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na full digitalization efforts ay hindi lamang naka focus sa mabilis at komportableng transaksyon sa LTO kundi nakatuon rin ito para mabawasan ang human intervention sa lahat ng transaksyon sa ahensya.

Batay sa datos , umabot na sa 97% na ang paggamit ng bagong IT system habang sinisikap na tugunan ang ang natitirang 3% upang ganap na makumpleto ang digitalization.

Ang 3% na natitira ang kinabibilangan ng mga transaksyon na hindi maproseso sa ilalim ng bagong sistema dahil sa internet connectivity issues lalo na sa mga probinsya.