-- Advertisements --

Sumakabilang buhay na si Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator at retired PNP Gen. Reynaldo Berroya.

reynaldo berroya

Kinumpirma ito ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa isang pahayag.

Sa isang statement, nagpahayag nang pakikiramay ang kalihim at iba pang mga kawani ng kanilang kagawaran sa naiwang pamilya ng yumaong administrator.

Muling inalala ni Tugade ang naging pangunguna ni Berroya, 74, sa kagawaran ng LRTA.

Gayundin tinawag niya itong “exceptional leadership” at sinabi niya na naging instrumento ito upang maiangat at mapasigla ang imahe ng transportation system sa bansa partikular na sa railways sector.

Magugunitang naitalaga bilang Light Rail Transit Authority administrator general si Berroya mula noong 2017.