IMAGE © Youtube | LRT 2

Kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Veterans Week at Araw ng Kagitingan sa April 9, libreng makakasakay sa linya ng LRT-2 ang lahat ng Filipino veterans.

Mula April 5, araw ng Biyernes hanggang April 11, Huwebes ay libreng makaka-biyahe ang mga ito mula Recto station sa Maynila hanggang Santolan station sa Marikina.

Kailangan lang daw nilang mag-present ng valid ID mula sa Philippines Veterans Affairs Office.

Bukod dito, libre ring makakasakay ang isang kasama ng veteran na bibiyahe sa tren.