Lalong lumalaki ang tyansa ng isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas na maging bagong bagyo.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, maaaring sa loob ng 48 oras ay mag-develop ito bilang tropical depression o mahinang bagyo.

Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 465 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto hanggang sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Maaaring sa loob ng linggong ito ay magkaroon na rin ng paglakas ang pag-iral ng hanging habagat o southwest monsoon na magdadala sa Pilipinas ng panahon ng tag-ulan.