Patuloy na maghahatid ng ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon.

Huli itong namataan sa layong 105 km sa silangan hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte.

Sa ngayon, nananatiling maliit ang tyansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 24 na oras.

Gayunman, hindi pa rin inaalis ng Pagasa ang posibilidad na tumama ito sa lupa.

Kung sakaling tatawid sa Luzon landmass, inaasahang hihina na ito at malulusaw.

Bukod sa namumuong sama ng poanahon, nagdadala rin ng ulan ang dulo ng cold-front, pati na ang hanging amihan.