Inatasan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay, para imbestigahan ang isyu ng “edited” na larawan ng mga sumukong kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Masbate.

Ayon kay Lorenzana, dapat maparusahan ang nagkaroon ng pagkakamali sa bagay na ito.

Itinuturing umano nilang seryosong bagay ang anumang inilalabas na impormasyon.

Dismayado ang kalihim dahil sa kabila raw ng mataas na natatanggap nilang tiwala mula sa publiko, may ilang tauhan na gumagawa naman ng mali na nakakaapekto sa kabuuang pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hindi binanggit ng opisyal kung kailan ang deadline ng ibinigay niyang direktiba para sa imbestigasyon ng Philippine Army.