NAGA CITY – Patay ang suspek na itinuturong nasa likod ng panggagahasa at pagpatay sa isang 10-anyos na bata sa Brgy. Ilayang Alsam, Tayabas City, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Mauro Gravamen, 60-anyos at residente ng nasabing lugar.

Kung maaalala, February 19 nang unang mawala ang biktima na sinasabing may sakit na “autism spectrum disorder.”

Pero ilang araw matapos ang dalawang araw noong February 21 ay natagpuan ito ng kanyang tiyuhin sa isang liblib na lugar sa nasabing barangay.

May sugat sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan ang bata na kalaunan ay napag-alamang ginahasa muna bago pinatay.

Agad na nagsagawa ng mga operasyon ang pulisya para matukoy ang person of interest na nasa likod ng krimen.

Nahuli ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa pamamagitan ng live-in partner ng suspek na si Rosalina Gener Jamilano,matapos sabihin na inamin ng supek na siya ang pumatay sa biktima.

Batay sa ulat, sinubukan tapunan ng granada ng suspek ang kapulisan habang tinutugis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad kaya namatay si Gravamen.