CAGAYAN DE ORO CITY- Nagbigti sa loob ng custodial facility ng Maigo Municipal Police Station ang lalaking pumatay at sumunog sa 2-anyos na anak ng kanyang kalaguyo sa Purok 6, Segapod, Maigo Lanao del Norte.

Sinabi ni Maigo Municipal Police Station Commander Lt. Baltazar Deguilmo na ginamit ni Florencio Curay, 65-anyos sa kanyang pagpapakamatay ang sling ng bag na pinaglagyan ng kanyang mga damit na dala ng kanyang dumalaw na anak.

-- Advertisement --

Ayon kay Deguilmo, wala ng buhay ng matagpuan si Curay sa naturang detention cell kaninang madaling araw.

Matatandaang sinampahan ng kasong murder in relation to RA 7610 si Curay matapos bugbugin nito ang anak ng kanyang kinakasama at pinatay, hindi pa nakontento sinunog pa ang katawhan ng bata.