Muling namahagi ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng educational assistance sa mahigit 350 na mga mag-aaral sa kanilang lungsod.
Nanguna sa pamamahagi ng cash assistance si QC Mayor Joy Belmonte.
Nakatanggap ang mga kabuuang 359 na estudyante sa lungsod ng tig P3,000 educational assistance.
Ang naturang tulong pinansyal ay may layuning masuportahan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Kabilang na ang mga pinaka nangangailangang kabataan sa kanilang lungsod.
Pasok sa mga posibleng maging benepisyaryo ay mga ‘children and youth in need of special protection’, kabilang ang mga mula sa indigent families, children in conflict with the law, at mga nasa alternative learning system.
Batay sa datos , umabot sa 1,109 mag-aaral ang napabilang sa programa noong nakaraang taon.