-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Germany ang lockdown nito sa loob ng tatlong linggo bilang tugon sa ikatlong pagkakataon na dumami pa ang bilang ng impeksyon sa coronavirus disease.

Ito ang napagdesisyunan ng bansa matapos makipagpulong si Chancellor Angela Merkel sa mga regional leaders kung saan mananatili ang lockdown hanggang Abril 18.

Asahan din umano ang mga paghihigpit mula Abril 1 hanggang 5 kung saan lilimitahan na ang mga pagtipon-tipon.

Ginawa ito ni Merkel matapos ang Germany ay nasa “very serious” situation na sa kasalukuyan dulot ng virus.

Napag-alaman na tumaas ang coronavirus infection sa buong Europa sa mga nagdaang linggo habang ang mga bansa ay nakikipaglaban upang mabakunahan ang kanilang mga populasyon sa kabila ng pagkaantala ng paglabas ng mga bakuna.