CENTRAL MINDANAO- Aprubado kay Kabacan Cotabato Municipal Mayor Herlo Guzman Jr ang request ng Kabacan Local School Board.

Aniya, sa panahon ng pandemyang kinakaharap ng bayan, isa ang edukasyon sa dapat hindi pabayaan, kung kaya ang request ng mga paaralan na riso machine upang magamit sa paggawa ng modules ay aprobado nito, dagdag pa ang mga kakailanganing papel ay gagawan ng paraan upang maibigay agad.

Nagpahayag naman ng suporta si ABC President and Committee Chair on Education PB Evangeline Pascua-Guzman sa mandato ng DepEd sa mga paaralan at tiniyak nito na kaisa ang bawat barangay sa bayan upang matugunan ang edukasyon.

Siniguro din ni SK Federation President Faroukh Guiabar na susuportahan at kaisa ang mga SK upang mabigyan ng tulong ang bawat estudyanteng kabakeƱo.

Nagpahayag naman ng suporta ang BFP Kabacan upang magamit sa mga isasagawang sanitation sa bawat paaralan.

Sa huli, tiniyak ni Mayor Guzman na nagpapatuloy ang suporta ng LGU sa edukasyon sa tulong na rin ng Education Grant ng LGU at ng SK.