Binuksan na ng Social Security System ang kanilang Calamity Loan Assistance(CLAP) para sa mga miyembro nito at mga pensioners na apektado sa patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Batay sa inilabas na guidelines ng SSS, kwalipikado na mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga member-borrowers na nakatira sa mga lugar na idineklarang nakatira sa mga lugar na sakop ng state of calamity na unang idineklara ng national Disaster Risk Reduction management Council.
IKatumbas ng isang buwan na sahod ang matatanggap ng mga ito, na maaari nilang gamitin habang nagpapatuloy ang SOC.
Para sa mga SSS at Employees Compensation Pensioners, maaari naman silang makakuha ng tatlong buwan na advance pension.
Kabilang sa mga bayan na apektado ay ang mga bayan ng Kabilang dito ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Legaspi City, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran (Malacbapac), Polangui, Rapu-rapu, Sto Domingo, Tabaco at Tiwi.
Magtatagal naman hanggang sa Styembre 21 ang applikasyon para rito, at nakatakdang magsimula bukas, Hunyo 21.