Humingi ng paumanhin sa kaniyang mga fans si Liza Soberano matapos ang pag-atras niya sa pagganap bilang “Darna” sa pelikula.

Kuwento ng 21-anyos na actress, nagtamo ito ng injury sa kaniyang daliri noong kasagsagan ng paggawa niya ng teleserye.

Dahil dito ay nagdesisyon ang kaniyang doctor at maging siya na huwag ng ituloy ang pagganap ng Pinay superhero.

Hindi pa gaano gumaling ang daliri nito ay minabuti nitong huwag munang gumawa ng nasabing pelikula.

Liza Soberano/ IG Post

Magugunitang noong 2017 ay masayang ibinahagi ng actress ang pagtanggap nito ng role kung saan sinimulan na nito ang paggawa ng ilang eksena noong Hulyo noong hawak pa ito ng director na si Erik Matti.

Nitong Oktubre ay umatras si Matti na maging direktor ng pelikula dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa ilang producers at pinalitan na ito ni Jerrod Tayog.