Unti-unti nang lumalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Liwayway.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 555 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 165 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 205 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.