BAGUIO CITY – Inilabas na ng Philippine Military Academy (PMA) ang listahan ng mga examination passers na bubuo sa Class of 2024.

Sa pahayag nga akademya, nakapasa sa entrance examination ang 350 na future cadets na binubuo ng 280 lalaki at 70 babae.

Tiniyak ng PMA na isasailalim sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) testing at 14-day quarantine ang naturang mga bagong kadete sa iba’t ibang military camps dito sa bansa bago sila papasok sa akademya.

Inaasahang magre-report ang mga nakapasa sa entrance examination para sa Reception Rites ng PMA.

Samantala, pinayuhan ng akademya ang mga interesadong makibahagi sa PMA Entrance Examination 2020 na bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon.

Maliban sa pribilehiyong makapaglingkod sa bayan ay tatanggap din ng buwanag sahod at allowances ang mga makakapasok sa PMA.