BAGUIO CITY – Magsisimula na ang liqour ban sa bayan ng La Trinidad sa Benguet ngayong araw.

Batay sa impormasyon, magtatapos ang implementasyon ng liqour ban sa April 20, Black Saturday.

Ayon sa La Trinidad Municipal Police Station, ipinag-utos ng alkalde ang pagpapatupad sa liqour ban para sa mas tahimik ng pag-obserba sa mahal na araw.

Layunin din ng liqour ban na maiwasan ang anumang insidente na resulta ng mga nakainom ng nakakalasing na alak.