Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Patay ang isang lineman ng Quezon Electric Cooperative 1 (QUEZELCO 1) matapos makoryente habang nag-aayos ng linya ng koryente sa loob mismo ng Municipal Local Government Building ng Pitogo, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bryant Marciano Aviles, 26.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na inaayos ng biktima ang isang live wire sa naturang gusali ngunit hindi nito napansin ang isang uncovered live wire na naging dahilan para makoryente ito.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na naagapan ang buhay nito.