Pumukol ng 37-footer sa buzzer si Damian Lillard para magbitaw ng career playoff-high na 50 points upang akayin ang Portland Trail Blazers tungo sa 118-115 paglusot sa Oklahoma City Thunder.

Nagpakawala rin ng 10 3-pointers si Lillard, na bumasag sa frnachise record.

Bunsod nito, pasok na rin sa second round ng NBA playoffs ang Blazers, na tinuldukan ang kanilang Western Conference first-round playoff series sa loob ng limang laro.

Nakatakdang harapin ng Portland ang magwawagi sa serye naman ng Nuggets at San Antonio, na kasalukuyang nasa 3-2 pabor sa Spurs.

Ito naman ang ika-12 straight road playoff loss ng Thunder, na nalaglag sa opening round sa tatlong dikit na seasons.

-- Advertisement --

Nabalewala ang 29 points, 11 rebounds at 14 assists ni Russell Westbrook, na kanyang ika-10 career playoff triple-double at ikalawa sa serye.

Hindi rin nakapalag ang 36 points na idinagdag ni Paul George.