Reading Time: 1 minute
klay thompson
Klay Thompson/ Photo courtesy of NBA

Mistulang super team ang mabubuo ni LeBron James pero hindi ito sa NBA kundi sa pelikula.

Iniulat ng The Athletic’s Shams Charania, makakasama ni James sa starring role sa Space Jam 2 sina Damian Lillard, Anthony Davis at Klay Thompson.

Ang naturang pelikula ay sequel sa orihinal na 1996 release kung saan bumida noon ang NBA legend na si Michael Jordan.

Sa pagkakataong ito si LeBron naman ang magsisilbing executive producer sa film na inaasahang ilalabas sa summer season sa Amerika sa July 2021.

Lebron james 1
Lakers LeBron James

Magiging production company ang Springhill Entertainment and Warner Bros.

Samantala ang iba pang magiging bahagi ng pelikula ay sina WNBA stars Diana Taurasi, Nneka Ogwumike at Chiney Ogwumike.

Inaasahan na ngayong NBA off-season magsisimula ang movie filming.

space jam 2