Kinumpirma ng mga otoridad na napatay nila ang lider ng grupong kasabwat ng al Qaeda militant group sa Kashmir, India.

Dahil dito nag-ugat ito ng malawakang kilos protesta kauganay ng pinagtatalunang rehiyon sa bansa.

Na-korner ng mga otoridad ang suspek na kinilalang ni Zakir Rashid Bhat, 25-anyos, sa tatlong palapag na bahay sa timog bahagi ng Kashmir.

Sinubukan pa raw ng suspek na tumakas ngunit sa kasawiampalad ay pinaulanan ito ng bala ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Matagal na panahon na ang alitan sa nasabing bansa dahil sa pagnanais na maging malaya ng Himalayan region at sumapi sa Pakistan.

Dumepensa naman ang Pakistan at sinabing hindi umano sila nag-aabot ng suporta sa mga militante sa Kashmir sa halip ay moral at diplomatic support daw ang ibinibigay nito sa Kashmir.